Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for energy industry professionals · Sunday, May 4, 2025 · 809,336,765 Articles · 3+ Million Readers

Gatchalian cautions against electricity overload to prevent fire incidents amid scorching heat

PHILIPPINES, May 3 - Press Release
May 1, 2025

Gatchalian cautions against electricity overload to prevent fire incidents amid scorching heat

Senator Win Gatchalian cautioned against potential electricity overload in high-density areas to prevent fire incidents amid high demand for energy on scorching temperatures.

He pointed to the recent fires in Port Area and Tondo in Manila on April 23 as a case in point. "Iwasan natin ang paggamit ng jumper dahil kadalasan ito ang nagiging sanhi ng sunog kung nagkakaroon ng electricity overload lalo na kapag panahon ng tag-init," Gatchalian said.

"Alam nating mas kailangang gumamit ng kuryente kung mainit ang panahon. Pero mas ibayong pag-iingat ang kailangan para maiwasan ang sunog," he added.

Gatchalian led the distribution of food aid today to 2,431 families who recently lost their homes in separate fire incidents across Manila.

In total, over 1,700 bags of 10-kilogram rice, worth P663,000, were given to 1,579 affected families in Barangay 650 in Port Area. Also, 1,000 rice bags, valued at P390,000, were handed over to 852 families in Barangay 123 in Tondo.

The senator emphasized that residents in densely populated areas must take responsibility in helping prevent power overloads, particularly during the summer months.


Gatchalian nagbabala laban sa overload ng kuryente para iwas sunog sa kasagsagan ng init

Nagbabala si Senador Win Gatchalian laban sa potensyal na overload ng kuryente sa mga matatao at masisikip na lugar upang maiwasan ang mga insidente ng sunog lalo na't mataas ang demand sa kuryente dahil na init ng temperatura.

Ito aniya ang naging dahilan ng sunog sa Port Area at Tondo sa Maynila noong Abril 23. "Iwasan natin ang paggamit ng jumper dahil kadalasan ito ang nagiging sanhi ng sunog kung nagkakaroon ng electricity overload lalo na kapag panahon ng tag-init," sabi ni Gatchalian.

"Alam nating kailangang gumamit ng kuryente kung mainit ang panahon. Pero mas ibayong pag-iingat ang kailangan para maiwasan ang sunog," dagdag niya.

Pinangunahan ni Gatchalian ang pamimigay ng tulong ngayong araw sa 2,431 pamilya na kamakailan ay nawalan ng tirahan sa magkakahiwalay na insidente ng sunog sa kamaynilaan.

Mahigit 1,700 sako ng 10-kilogram na bigas, na nagkakahalaga ng P663,000, ang binigay sa 1,579 na apektadong pamilya sa Barangay 650 sa Port Area. Sa Barangay 123 sa Tondo naman, 1,000 sako ng bigas, na nagkakahalaga ng P390,000, ang binigay ng senador sa 852 pamilya.

Dagdag pa ni Gatchalian, kailangang magpakita ng pananagutan ang mga nakatira sa mataong lugar upang maiwasan ang sunog, lalo na ngayong tag-init.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release